Dahil sa FACT na nagkameron me ng infinity leave here sa my office, accidenteng naikabit ko dito ang blogging. Hihihi.
Naintriga din me ng subra-sobra last few months yata, noong ipinost ni Sir
Teka, dili ko mahanap ang link sa poste nyang yuon. Paumanhin much naman Glentot.
Lalagyan ko na lang ng plenty links sa site mo po.
Ang napili ng aking kunsensya na panuorin ay ang Audition. 1999 Horror film. DVD copy. Bungga.
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Mga busy sa pagpopoker, pagbibidyo-watching, at kung anekanek pa ang aking mga upismeyts. Course is clear. Double Click na this AUDITION movie at nagplay na sa VLC Player.
Eto na ang aking
Inhale...
Potek na pelikula this humabot ako ng isang hour sa mickeymouse clock ko eh no gulatan factor o walang iskery-ing nahappenings pero infairness naman sa film na this kasi neber-eber ako nakaramdam ng hikab yawn kasi naman maganda ang istorya na nagsimula sa pagkadeds ng asawa ng protagonista pero sorry naman dili ako matandaain sa mga names kapag nagwawatch ako ng mga movies kaya di ko masabi pangalan tapos ayun nagpa-audition siya ng prend nya para sa magiging lead role ng gagawin nilang pelikula tapos isa sa mga auditoners ang pipiliin nya para maging ideal wife eh nagkataong ang napick-up-sticks nya ay isang revengeful na babaeng girl na may kakaibang history at duon na sa bandang lampas isang oras magsisimula ang talagang thriller sa pelikula na merong gore at iba iba pa na nakapagpagawang takpan ko ang mata ko ng bahagya at mapasigaw ng mahina dahil na rin sa pagka disturbed ko nung tinotorture na ng babaeng auditioner si bidang lalaki at nung matapos ang pelikula ay naging lupaypay me much.Whew
Exhale...
Ang rating ko sa pelikulang ito ay STAR STAR STAR STAR