Pages

Saturday, July 31, 2010

Yawn



Ayaw ko ng ganitong senaryo. Parang may nagsaboy na fairy ng kanyang pixie dusts at making the place foggy, making me very sleepy. Kulang na lang ay Ipootan ako ni Adarna Birdie. Hayoko non. 


Lahat na ginawa ko, pero kulang pa din. Lol parang line lang sa pelikula. Kadiri. I mean, halos 20 tabs na nga ang naka-open sesame sa aking web browser. Wa-epek pa din para magising ang katawang lupa ko. Anong nangyayari, why like this? 


Isitda weather? the ambeyonce? the people around us? Katamad din mag-isip. 


I really need something, kung ano man ang makakapaggising sa nanginginig kong katawan at mind. I need something non-sleepy or non-boring. Now na! Tito Boy. Now na!


Ikaw anong recommendation mo? Dali!


Current Status: Hikabtodamax



Friday, July 30, 2010

Elementary Stories

Me just an ordinary ischoodent noong gradeschool. Hindi completo ang iyong gradeschool life kung dili mo na-hexperience ang ups and downs nito. Hokey, may closure hitong post ko sa about gradeschool, so dont expect kwentos from highschool and college kasi its the because i never did i never have one. Jukjok lang syempere.

Sit and relak relak like the picture above. Ako nga pala ang bata sa ritrato sa itaas. Syempre hindi kapanipaniwala. Char-char lang sabi ni Melai.

1. Naranasan ko ng maging TOP 2. Baket hindi top 1? Talamak kasi sa nakanangsheet na school namin ang "girl power" na laging TOP 1 ang mga babae. 75% ng census sa Top 10 ay babae. Actually, top 4 lang me, nagkameron lang ng dengue ang top 3, at maagang lumande si top 2. Hang talino ko pak!

2. Nakatikim na ako ng pagkabigo sa mga quizzes. Iyong SCORE ko ay tipong dili man lang nakaabot sa Kota ng mga asawa ng taxi drivers. Kaya ang pinagawa ng chicher na mukang taxi, pina-recite lang naman me ng angelus in the front of the madlang classmates. Siguro nasa 7 kami. Hindi umabot sa finale ang angelus dahil may natae sa brip. Excuse me po!

3. Nagsusuot me ng bacon. Jonels ang tatak. Knows nyo na kung ano yang tinutukoy ko. Brip yan tangengots. Di ko na i-eelaborate ang about page ng jonels brip.

4. Nagjingle-bells kaming mga friends and countrymen sa trashcan. Buset na demonya kase ang chicher namen. Wowowee-wee lang ipinagkakait pa? Pero di ko knows if she's alive pa. Dili ko na knows ang kanyang whereabouts. How is she kaya?

5. Natural lang na palengke ang senaryo sa classroom. Not yung typical na may nagbebenta ng nutribuns hah. Palengke as in Noisy much. Pagka noisy much, Isa lang ang pwedeng mangyari. The Attack of the Tagalista sa Pisara. Di maiwasan, ako ay naitala sa listahan ng utang ng tinderang tagalista. May singil na Piso, at dalawam Piso kapag Standing Ovation ang actions mo.

6. Naala-ala-alalala-alala ko din ang aming virgin na library. Kala mo teacher ano? Dumi isip you talaga. Ang virgin library na never been used, never been touched. Kasingliit lang sya ng cubicles x 3. Papaano mo naman pupuntahan, mismong mga chichers nagmamake stories na may gumagalang pugot na head in there. Creepy much.

7. Napakapilyo ko noong akoy nasa gradeschool. Isang bowl ng kagagoohan ang aking nagawa.  Heto na lang mabilisang summary...

Naglagay me ng staple wires in a deadly formation sa mga seats ng brown and mababahong armchairs, ginawa kong arcade machine ang kuryente socket and I make lagay ng singkwenta sentimos with agila and naluto sya, hihi. I made lapis a fatal weapon wherein itinusok ko sa aking kaklaseng makulit. (masmakulit sakin), Nanghampas ako ng libro, hinampas ko yung maingay. Irita ko sa maingay. (syempre lalaki ang hinampas ko, di ko kaya humurt ng gal ayeee). I make buhol the long and kinky hair of my byudipool classmate na nasa harap ko, bored lang ako that time sorry na. The End.

Next Year, Highschool naman ang aking i mamake ng story. Pak! hihi

Wednesday, July 28, 2010

Alice In Wonderland



Habang umuulan ng heavy rains sa labas, di naman syempre pwede sa loob... at habang may mga wattabunganga na nag-aaway na mga kapitbahay, naisipan kong magbukas ng blog para magsulat. Kaka kasi eh. Kakainspire. Kakainis. Kaka.. Ewan.


Kaninang goodmorning, pagka-end ng Showtime, ay teka huwala na pela ang Diz iz it sa shiyete. Hihi. Pagkatapos ko nga manood, kinuha ko ang CD Racks ni Papang. Mayroong mga reyted eks, pero syempre ang aga-aga pa much para laruin ang "ninuninu" ko. Nagsalang ako ng dibidi-dibidi entitled: "Malice, este Alice in Wonderland".


Hang pagkakatanda ko, noong bata-bagets pa ako, napanood ko na to somewhen between 1 - 8 years old. Pero wala akong natatandaan kahit na anong signigicant important na part except sa nagkameron ng rabbit at pussycat na mega smile to the max. 


Unang-una napakabyudibul ni Alice. Kaka-inlabmuch. Ang pinaka istorya pala nito ay...


INHALE...


Si Alice mula sa kanyang dapternun proposal ceremonyas sa lihim na hardin ay tumakas mula sa boy na nagpropose sa kanya na hindi nya type tapos nakaka-sight-seeing sya ng rabbit na praning na may hawak ng golden watch from recto and then Alice fell sa isang manhole sa puno tapos nag shrink and grow x 100 sya para sa mga missions and then may prophecy na Alice will kill the dregon na alaga ng bruhildang malaki ang head and then andon si johnny depp na mukhang abstract tapos may madaming animals while naghahabulan and there comes  i mean andon din si pagkapretty pretty na si anne hot-away and then may mga kawals lots of kawals red and white tapos duel na sa pagitan ng mga champions na sila Alice at ang dregon called Jabawoki and apter beating the dregon Alice gained the dinuguan from the dregon's toothache and make inom tapos nabalik na sya sa real world pagkatapos nyang mag goodbye kela johnny depp at anne at pusa at daga and everything else at noong nasa real world na hindi sya pumayag na magpakasal doon sa shanse nya the end Whew Period Period comma comma Period here.

EXHALE...


Rating STAR STAR STAR STAR STAR

After ng movie review kong ito, sigurado ako na magrerequest pa kayo na magpa movie review kasi malinaw at maliwanag pa sa sikat ng sun akong mag review. Buh bye Period.

Tuesday, July 27, 2010

Wrong Number



Nothing to do, nothing to do...


I'm here lang at the office, making download games para sa aking celphone. (Turo sa itaas)


Kanina, when I'm about to make upo na sa aking station, isang kasambahay, este kaopisina told me na may tumawag sa akin from the  Toot-toot department. Mega-takbo ako at pagkarating ko sa Toot-toot department, Comedy bar the place. Lahat sila laffing at me.


Ganire daw ang happenings:

Caller Kanina: "Tongtong, i made tawag you sa department you, it's like this naman: Hello dapternun, nandyan po si Tongtong?"


KadepartmentKo: "Si Tongtong? Wala yeh. Naka-day-off."


Caller Kanina: "Ho? longkatoots ho? este... Kasama lang po namin sya kanina."


KadepartmentKo: "Ay baka lumabas lang."


So paneh naman my kadepartment. Hilo yata. Baka may nausea o internalized bleeding, hewan ko sa kanya. Dili nya knows na im working a lot making bloghop to new people dito sa blogospots. I mean, kanina pa ko nasa loob ng department. Since morning much pa. Nakngkutongbusog naman. Me sounding like conyo na naman. Ayaw ko na. 


Hinde, ang totoo nyan, marami na akong naacomplished na tasks ni Big Brother. Medyo heto ako, tumatambay sa blog, making gala-gala sa iba-ibang sites. Para magkameron naman ako ng bloggerfriends. Drama lang.


Teka, naalala ko lang kahapon. 


1. May bisita dito sa department.
2. Nakigamit ng phone.
3. Dumial ng numero.
4. Nagring ang telepono sa harap ko.
5. Hello? Ang sabi ko.
6. Canteen? Ang sabi nya.
7. Hindi po. Ang sabi ko with nakakunot na forehead.

8. Sabay lingon ko sa kabilang cubicle.
9. Nakita ko sya with matching "Ay sorry sorry" Sabay baba nya ng phone.
10. What's wrong with the world momma?


Pipitikin ko sana sya sa uvula. Magresearch kung ano ang uvula.

Sunday, July 25, 2010

Law of Physics


Happiness to the max ang laro naming magkakaberks sa canteen ni aling babae. (Limot ko na ang name). Playing cards. Kakaiba the way ng paglalaro. Sigawan at panic-an. Paunahan kasi sa paglapag ng numero. Medyo limot ko na ang exact rule kasi naman amnesia na me. Linimot ko na ang college memories sa aking usb-brain. 

Ang parusa, iinom ng isang basong tubig. Nakaraming round kami. Parang boxing lang. Ang next subject pala namin ay ang paboritong subject ng wala. Ang Physics. And it is worse pa. Long Quiz much. 

We make pila na to the room, and then we make kuha na the test papers. Pagkatapos, we make bayad na para sa pagpapaphotocopy ng quiz sa mabahong papel gawa ni Xerox. Finally, we make sagot na. The End. Ay hindi pa pala the end.

Habang kami ay taimtim na nagdarasal para pumasa at sumasagot ng exam ni Einstein at Newton, nakakaramdam ako ng pagkabalisa. Knock on wood wag naman sana. May naglalaro ng dance dance revolution inside my gall bladder. Lalabas na. Hindi na kinakaya ng kuyakoy powers. Ma'am CR lang po. And then pagkatapos kong jumingle bells, napapansin ko yung isa kong kasama hindi na rin mapakali. Lumapit sa teacher at... "Ma'am may i go out?" 

Pagkabalik nya, di ko na talaga mapigil. Ayan na naman. Ma'am CR po ulit. Ang jingle bells kanina, ngayon ay naging jingle all the way na. Pabalik-balik kaming tatlo. Buti na lang hindi nagdududa si madam teacher baka nagkokodigo kami sa CR. Bagong technique yan ah! Uyy... Haha

Natapos naman ang exam ng walang sumasabog na NAWASA sa classroom. Ang resulta ng long quiz? Naglaro nga lang kami bago mag long quiz. Sabayan pa ng choral elocution ng mga ibon na di mapakali. Asa pang aabot sa tres? 

Saturday, July 24, 2010

Wala sa Huwisyo


Ako ay isang batang mabait at walang halong  cheche-boreche o kung ano man ang tawag duon. Ako ay umuwi ng bahay galing gimikan. Oo. Tama ang nabasa mo. Madunong din naman ako gumimik. Dili ako santo. Bahay eskwela bahay eskwela. Hiyakssss.... Feelingero much. May work na kaya me. Santo Santito pwede pa.

Eto na nga, tama na ang introduction, derecho na sa climax.. oohh ahhh ohhh ahhh.. (kanta yan. wag madungis ang isip.) Pagkauwi ko, bumulaga sa akin ang mga katanungan ng aking lab na lab na payrents.

1. Saan ka galing?
2. Bakit mapungay mata mo?
3. Anong ginawa mo?
4. Sino mga kasama mo?
5. Anong ininom nyo?

At lahat ng sagot ko sa quiz sa itaas, palya. Ni hindi man lang naaprobahan ng court of appeals.. Anak ng kutong busog. Kahit di ako bumibisyo eh naipapakita ng aking katawang walang bahid ng kamanyakan este kabisyuhan na mukha akong LASING? Utang na loob. Watshapeningmuch? Ano ba naman this. Ngina-ngina naman.

Big deal kela ermats at erpats naman ang happenings na ganito sa aking lifetime. Payrent's boy kaya akow.

Saan ba ko galing? Sa Esem lang naman. Anong ginawa ko? Kumain lang kasama mga piling-piling mga friends. Pagkatapos ay uwi na. Iyon lamang naman. Dili rin ako mahilig sa inum-inom. Yoko naman my tyan to be bloated. No way high way! Hanngang here na lang. Tumataas ang presyon ng Angat Dam.

Super P.S. Dehins talaga me umiinom ng beer o wine o gin o vodka o the bar o bilog. Wala talaga. Ultimate promise. Sumpa man kay Inday Badiday. Eye to eye, pramis!

Thursday, July 22, 2010

Dear Blog

Dear Diary, ay blog pala,

     Kung ang mga inday ay may dayoff, ang mga puno ay may tag-lagas, Ako pa kaya na hamak na humans. Napapagod din ako. Sayang lang ang time ko sa pagligo, pinawisan din naman ako sa magdamag. Pero ok lang, kahit pagpawisan ako ng grasa at sebo, mabango pa din ako parang damo at lumot sa tag-ulan. Yak. Wala lang. Naikwento ko lang kasi magdamagan akong tinrabaho este nagtrabaho as in pagod like a kargador sa pier or baggage boy sa suking grocery stores.

     Dehins ko na i-eelaborate ang mga pangyayari dahil kapag nagkwento pa ako, masgugustuhin mo na lang panoorin si Gaz Abelgas ng SOCO.......sceneeee..... of..... the.... crime..... op..... ewan ko paputukin ko nguso mo. Basta, personal assistant ako kanina. Boy-secretary. Sidekick, Julalay, at iba pa. Sa buong magdamag. 

     Pagkasakay ko naman ng mala-roller coaster ride na jeep dahil sa tuwing liliko ay nalilipat ng otherside of the passeyngerseats ang aking puwit. Kahiya sa madlang customers ng nasabing ride. Hindi naman ako makatulog dahil loop ng loop to the max ang kakaunting kanta sa aking selepono. Pamatay sa rakrakan ang Empty ng ClickFive. Oo na. hardcore na para sa akin. Wag ka ng tumawa. Pati ang kanta ng Silent Sanctuary. Baduymetothemax these past few days.

     Pagkauwi ko naman ay syang nagmano sa akin ang tinapa, at humalik sa pisngi ko ang sopas. Nawala ang aking striss. Subra. Ginhawa ba. Napawi lahat ng aking paghihinagpis at paghihimutok sa bwakananginahingmanok na trabaho. 

     May maikwento lang naman. Burp!!! 

     Kumain lang naman ako ng tinapa'tsopas napakwento na me much. Thanks sa pakikinig at wala akong violent reactions o comments o suggestions na narinig sayo aking blog. 

                                                                                                                                  Nagmamahal, 
                                                                                                                                  Tong







Tuesday, July 20, 2010

Addiction, Hindi ako adik.



Pumunta ako sa pinakamalapit na bilihan ng Boston Kreme. Ito ang tanging paraan para mayakap ka. Darating kaya sa dami ng yong ginagawa... Tama na kanta. (Kanta ng kamikazee yan boplaks)

Inhale...Bumili ako ng Boston Kreme dahil sa sobrang stressed out na ko sa araw na ito at hindi ko na i-ci-cite na parang enumeration sa gradeschool quiz baka mapindot ko lang ang ctrl+alt+del at tuluyan ng mag-shutdown ang planetang mars na syang kinabibilangan nitong katawang lupa este katawang alien ko. Exhale...

Seryoso, walang halong biro, wala ring halong salamangka, na ang tatlong piraso ng boston kreme ay hinalimaw at winalangya ko sa isang iglap. Oo. winalangya, Parang dalagita lang na nilapastangan sa kalyeng madilim. Parang drugs to pare. Hindi naman nakaka-high. Napapikit ako habang ngumunguya at lumulunok na para bang nagtataping ng commercial sa tv. Aylabetgazilliontimes.

Solb as in problem solved. Limot ko ang mga taong nagbigay ng tatlong plangganang stress at limang kilo ng pangyayamot. Kung baga sa mga drug addict, kakalma lang sila kapag naibenta na ang paboritong casette ni nanay, paboritong telebisyones ni tatay, o kaya naman ay ang golden crib ni baby. Tapos ipambibili ng pinagbabawal na gamot. Sabi nga sa kanta ng naglulumanding Kesha - "Your love is my drug!" Ang sakin naman Boston Kreme. Naintindihan mo? Hindi? Balik ka sa pinakasimula.

Pumunta ako ng C.R. Kadalasan, bago ko ibaba ang zipper ng pantalon kong mamahalin (Mahal na mahal ko kaya umaabot ng isang linggo) at ilabas ang aking "ninuninu" para jumingle, pinipigilan ko ang aking hininga para dehins ko maamoy ang kabahuan ng banyo, ng cubicle, ng basang sahig, ng janitor (joke). Pero kanina, laking mangha ko na ang di-inaasahang pag-inhale ko ng tamang timpla, may naamoy ako. 

Amoy... Neo-Aspilet for Kids Paracetamol na dinikdik at isinaboy sa hangin. Ambango heavy.. Pare ambango talaga. As-in. Di ko maamoy ang C.R. Adiktothemax naman tong nalalanghap ko. Ambango talaga. Ano kayang flavor ng zonrox o clorox o muriatic acid o toilet duck o albatross o tide o liquid zoza o kung ano man yon ang ginamit ni manong kuyang janitor?

P.S. Hindi ako lango sa ipinagbabawal na gamot. Duhhh.. Wala namang simtomas. Sapakan na lang. Paraho man kami ng mata ng panda sa itaas, pero hindi ako adik!

Family Computer



Completo ang buhay mo if nagkameron ka ng Family Computer. Pakulo ko lamang iyan.


Nakalimutan ko na ang History of Forever ng pagkakameron naming magkakapatid nitong Gaming Console na to. Teka, isesegwey ko muna ang Chain of Events o Chronological Order ng naging Gaming Consoles namin.


1. Nintendo Nes. - Malaking Gray box, with two controllers, one gun. Default bala nito ay ang 2 in 1 Super Mario Brothers at Duckhunt + clayshooting. Hindi yata available here ang mga bala nito. Lungkot naman kami ng todo sa to da max.


2. Family Computer - Kulay Flesh, with two controllers na kulay pula with orange. Masmaliit ang bala o rom nito kaysa Nintendo Nes.


3. Playstation - Yes naman. Yes naman. Asensado naman. Ang nice nito naman. CD na ang isinasalang. Pwede kang maglaro, manood, makinig, at mag videoke. Naman.


4. Computer - Keylengen pe be peleweneg te?


Back to the game...



That's BATTLE CITY. have you played that feaking nice game? I hope so.


Objective: Make ubos the enemy tangke na uber sa dami at kulit.


Dito ako natutong umiyak sa paglalaro. Kasi two player game ang BattleCity. Kapagka ikaw man ay binaril ng iyong butihing kakampi, na supposed to be happened to be to be to be my tatay or kuya... ang iyong tangke in the game will be like iilaw at hihinto na parang may stop light for about 5 segundos yata. Dahil diyan, may chance of a lifetime ang mga enemy tanks to make you sabog and go back to start of the base and will make you sad sad. Isa pa, kapagka ang agila sa base (Turo sa image sa itaas) ay nabaril, instant GAMEOVER. One way na ginagawa ko if napipikon na ko. Bruho of me. 



This one naman is ROCKMAN in japanese, and MEGAMAN in english.

Ito ang neverending na aking kinaadikan. Simula Rockman 1 hanggang Rockman 7 sa Family Computer, Rockman 8 at Rockman X's sa Playstayion. X ay 10 hindi X-rated. Ihampas ko keyboard sa yo.

Maganda naman ang game. It's so cool naman. Puzzles, adventures, monsters, robots, tira here and tira there, charging of busters, making malaking panira to make enemy sabog and gain pampadami buhay and enegy, make talon talon through bangin and spikeys and much more!!!

Ang ibang games, natatamad na akong ikuwento. Marami pa dapat yan.

Some Random Facts:

1. Fifteen minutes ang allowed time for each one of us to play. Kasama din si daddy. May oras din sya. Kapag naman two player, Halimbawa joined forces kaming magkapatid, thirty minutes na ang time.

2. Di nagtagal ang 15 minutes ay naging 30 minutes, naging 1 hour, and then 2 hours na up to kasalukuyan. Kuryente Raise Alert!!!

3. Kapag naglalaro si daddy ng Supermario, kasamang tumalon ni mario ang controller ni daddy, pati ang balikat nya, at kamay na parang nanonood ng 3d sa Imax. Hihi.

4. Nagtry maglaro ng Supermario si Mommy. Natapos nya ang world 2-2 which is sa tubig ang senaryo. nakasurvive sya with 7 seconds remaining. 1st and last laro nya yon ng family computer.

5. Gazillion times na kaming nag-away at nag-iyakan dahil sa pesteng computer games na yan.

6. Uber great family bonding ang paglalaro ng computer games. Mapapabata mo ng 100 years sila parents. 

7. Nagugutom ako ngayon. Gusto kong pumunta ng Dunkin Donuts.


Monday, July 19, 2010

Nasaan na?





Tandang-tanda ko pa yuong mga panahon na magkakasama kami. Kay tagal ng lumipas nuon. Nakapanghihinayang talaga oo. Eh, ano pa nga ba ang aking magagawa? Sa tanda kong ito...

Ok tama na, nagtutunog losyong na ako. Seryoso ang mga unang pangungusap sa talata sa itaas except sa last sentence. Pakidisregard. Hindi lolo ang nag momonologue doon. Ako iyon.

Pero bakit at para saan?

Sobrang namimiss ko ang dati-rati. Ang dating buhay sa blogworld noong ako ay nagsisimula pa lamang 10 years na ang nakalipas. Ok, sinungaling ako sa 10 years. Basta. Sige 5 years. 5 years and 1/2, 1/3, 1/4. 7 years. I-add mo na lang lahat tapos siret na.

Unti-unti na kasing nawawala ang mga bloggers na nakagisnan ko. Mga nagsipag-asawa't nagsipag-anakan na kasi. Joke lamang. Iba talaga yuong dati. May kakaibang sipa. Kung baga kahit hindi masyadong matagal ang pagsasamahan, maihahalintulad ito sa alak na fermented for mahigit 10 years. Hmmmm. Malinamnam iyon ng tunay na tunay.

Binalikan ko rin ang mga palitan ng kuro-kuro. Nagtutunog-matanda na naman ako. Comment section ika nga sa pabalbal na pananalita. Napanganga na lang ako at napapa-isip. At nakakapanghinayang na di na ata mauulit ang mga yon.

Kung baga sa mga taong may mga trabaho't asawa't anak, tila nais kong magdaos ng isang pista. In short, reunion ng mga kasabayan kong bloggers na nagsipaglisanan na sa blogosphere/blogworld/cyberspace/ o kung ano man.

Hindi naman sa sinasabi kong mas-angat ang mga dati o ayaw ko sa mga bago ngayon. Namimiss ko lang ang mga dating nagsisialisan. Ikaw? Diba nakakaramdam ka rin ng ganyan?

Two Kinds of Friends. One is the silver and the other's gold. New friends ang silver, at ang gold ay ang mga nasa baul na, este ang mga original super friends a.k.a. justice league a.k.a. trustworthy ones

Ang tanong... Bakit nagkakaroon ng chatroom sa mga blog entries?

Ay, heto pala ang tanong mga iho't mga ineng... Naniniwala ba kayong bata ako?

Ok, ito na talaga ang tanong, baka mainis na kayo... Hinahanap-hanap ninyo rin ba sila?

Ant Colony


Ang mga langgam. Bow.

Ang queen ant ay ang pinakamalaking langgam sa buong colony nila. Layunin nyang manganak ng manganak. Correction, mangitlog pala.

Ang mga male(buntisero) ants naman ay medyo malaki lang, sila ang taga buntis sa queen.

Ang mga soldier ants naman ay ang tagapagtanggol ng mga naaapi. Protector of the queen, of the foods, of the whole colony.

Ang mga worker ants naman ang mga workers. Taga-hanap ng pagkain, tagabuhat ng pagkain, basta. Worker.

Ang queen ay di pwedeng magwork para pakainin ang colony.

Ang mga soldiers ay hindi pwedeng mangitlog.

Ang mga male (buntisero) ants ay di pwedeng magtrabaho. Bakit? Pagkatapos nilang mambuntis ng mahal na reyna, mamamatay sila after. (insert sad music here)

Ang mga worker ants ay di pwedeng buntisin ang reyna.

Hindi sila pwedeng mag-utusan. Hindi pwedeng magpasa ng duties. Kaya nga iba iba sila. Mayroon silang designated tasks/jobs.

Saan ka nakakita ng langgam na all-around ang trabaho sa colony?



P.S. Ang mga information sa itaas ay stocked knowledge ko lamang.


Byahe





Naglakad ako galing kweba papunta sa lawa.

Sumakay ako ng Sidecar na de-motor papuntang gubat.

Mula sa gubat ay sumakay ako ng Pampublikong Jeepney papuntang bundok.

Pagkatapos naman sumakay ako ng Choochoo Train papuntang karagatan.

Sumakay ulit ako ng isa namang Pampasaherong Jeepney papuntang himpapawid.

Nang nasa himpapawid na ko, may boston kreme. Ang sarap sarap.




Ulit. ulit. Airballoon na lang para isang byahe lang. Mapresko pa.