Saturday, July 24, 2010
Wala sa Huwisyo
Ako ay isang batang mabait at walang halong cheche-boreche o kung ano man ang tawag duon. Ako ay umuwi ng bahay galing gimikan. Oo. Tama ang nabasa mo. Madunong din naman ako gumimik. Dili ako santo. Bahay eskwela bahay eskwela. Hiyakssss.... Feelingero much. May work na kaya me. Santo Santito pwede pa.
Eto na nga, tama na ang introduction, derecho na sa climax.. oohh ahhh ohhh ahhh.. (kanta yan. wag madungis ang isip.) Pagkauwi ko, bumulaga sa akin ang mga katanungan ng aking lab na lab na payrents.
1. Saan ka galing?
2. Bakit mapungay mata mo?
3. Anong ginawa mo?
4. Sino mga kasama mo?
5. Anong ininom nyo?
At lahat ng sagot ko sa quiz sa itaas, palya. Ni hindi man lang naaprobahan ng court of appeals.. Anak ng kutong busog. Kahit di ako bumibisyo eh naipapakita ng aking katawang walang bahid ng kamanyakan este kabisyuhan na mukha akong LASING? Utang na loob. Watshapeningmuch? Ano ba naman this. Ngina-ngina naman.
Big deal kela ermats at erpats naman ang happenings na ganito sa aking lifetime. Payrent's boy kaya akow.
Saan ba ko galing? Sa Esem lang naman. Anong ginawa ko? Kumain lang kasama mga piling-piling mga friends. Pagkatapos ay uwi na. Iyon lamang naman. Dili rin ako mahilig sa inum-inom. Yoko naman my tyan to be bloated. No way high way! Hanngang here na lang. Tumataas ang presyon ng Angat Dam.
Super P.S. Dehins talaga me umiinom ng beer o wine o gin o vodka o the bar o bilog. Wala talaga. Ultimate promise. Sumpa man kay Inday Badiday. Eye to eye, pramis!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?