Inhale...Bumili ako ng Boston Kreme dahil sa sobrang stressed out na ko sa araw na ito at hindi ko na i-ci-cite na parang enumeration sa gradeschool quiz baka mapindot ko lang ang ctrl+alt+del at tuluyan ng mag-shutdown ang planetang mars na syang kinabibilangan nitong katawang lupa este katawang alien ko. Exhale...
Seryoso, walang halong biro, wala ring halong salamangka, na ang tatlong piraso ng boston kreme ay hinalimaw at winalangya ko sa isang iglap. Oo. winalangya, Parang dalagita lang na nilapastangan sa kalyeng madilim. Parang drugs to pare. Hindi naman nakaka-high. Napapikit ako habang ngumunguya at lumulunok na para bang nagtataping ng commercial sa tv. Aylabetgazilliontimes.
Solb as in problem solved. Limot ko ang mga taong nagbigay ng tatlong plangganang stress at limang kilo ng pangyayamot. Kung baga sa mga drug addict, kakalma lang sila kapag naibenta na ang paboritong casette ni nanay, paboritong telebisyones ni tatay, o kaya naman ay ang golden crib ni baby. Tapos ipambibili ng pinagbabawal na gamot. Sabi nga sa kanta ng naglulumanding Kesha - "Your love is my drug!" Ang sakin naman Boston Kreme. Naintindihan mo? Hindi? Balik ka sa pinakasimula.
Pumunta ako ng C.R. Kadalasan, bago ko ibaba ang zipper ng pantalon kong mamahalin (Mahal na mahal ko kaya umaabot ng isang linggo) at ilabas ang aking "ninuninu" para jumingle, pinipigilan ko ang aking hininga para dehins ko maamoy ang kabahuan ng banyo, ng cubicle, ng basang sahig, ng janitor (joke). Pero kanina, laking mangha ko na ang di-inaasahang pag-inhale ko ng tamang timpla, may naamoy ako.
Amoy... Neo-Aspilet for Kids Paracetamol na dinikdik at isinaboy sa hangin. Ambango heavy.. Pare ambango talaga. As-in. Di ko maamoy ang C.R. Adiktothemax naman tong nalalanghap ko. Ambango talaga. Ano kayang flavor ng zonrox o clorox o muriatic acid o toilet duck o albatross o tide o liquid zoza o kung ano man yon ang ginamit ni manong kuyang janitor?
P.S. Hindi ako lango sa ipinagbabawal na gamot. Duhhh.. Wala namang simtomas. Sapakan na lang. Paraho man kami ng mata ng panda sa itaas, pero hindi ako adik!
P.S. Hindi ako lango sa ipinagbabawal na gamot. Duhhh.. Wala namang simtomas. Sapakan na lang. Paraho man kami ng mata ng panda sa itaas, pero hindi ako adik!
natuwa naman ako at nasa blogrol mo pala ako :-D Keep blogging at wag masyadong kumain ng boston creme baka tumaas ang asukal ng dugo mo sige ka hindi na tatayo yang nuninuni mo LOL
ReplyDeleteFinally a blog na nakakatuwang basahin hehehehe mamili ka yung matapang na detergent o mapanghi ang maamoy mo. Baka inembalsamo yung mga urinals.
ReplyDelete@Jepoy. Wahahahah my idol. huwag ka magbiro ng ganyan. nakakatakot. Madalas akong nagbabasa ng blogs nyo ni glentot. Kaya nainspired me much sa inyo na magblogspot.
ReplyDelete@Glentot. Nakakatuwa naman lalo ang blog mo jepoy lalo na sila miss fierce at si khikhi. hahahahahah