Pages

Tuesday, July 20, 2010

Family Computer



Completo ang buhay mo if nagkameron ka ng Family Computer. Pakulo ko lamang iyan.


Nakalimutan ko na ang History of Forever ng pagkakameron naming magkakapatid nitong Gaming Console na to. Teka, isesegwey ko muna ang Chain of Events o Chronological Order ng naging Gaming Consoles namin.


1. Nintendo Nes. - Malaking Gray box, with two controllers, one gun. Default bala nito ay ang 2 in 1 Super Mario Brothers at Duckhunt + clayshooting. Hindi yata available here ang mga bala nito. Lungkot naman kami ng todo sa to da max.


2. Family Computer - Kulay Flesh, with two controllers na kulay pula with orange. Masmaliit ang bala o rom nito kaysa Nintendo Nes.


3. Playstation - Yes naman. Yes naman. Asensado naman. Ang nice nito naman. CD na ang isinasalang. Pwede kang maglaro, manood, makinig, at mag videoke. Naman.


4. Computer - Keylengen pe be peleweneg te?


Back to the game...



That's BATTLE CITY. have you played that feaking nice game? I hope so.


Objective: Make ubos the enemy tangke na uber sa dami at kulit.


Dito ako natutong umiyak sa paglalaro. Kasi two player game ang BattleCity. Kapagka ikaw man ay binaril ng iyong butihing kakampi, na supposed to be happened to be to be to be my tatay or kuya... ang iyong tangke in the game will be like iilaw at hihinto na parang may stop light for about 5 segundos yata. Dahil diyan, may chance of a lifetime ang mga enemy tanks to make you sabog and go back to start of the base and will make you sad sad. Isa pa, kapagka ang agila sa base (Turo sa image sa itaas) ay nabaril, instant GAMEOVER. One way na ginagawa ko if napipikon na ko. Bruho of me. 



This one naman is ROCKMAN in japanese, and MEGAMAN in english.

Ito ang neverending na aking kinaadikan. Simula Rockman 1 hanggang Rockman 7 sa Family Computer, Rockman 8 at Rockman X's sa Playstayion. X ay 10 hindi X-rated. Ihampas ko keyboard sa yo.

Maganda naman ang game. It's so cool naman. Puzzles, adventures, monsters, robots, tira here and tira there, charging of busters, making malaking panira to make enemy sabog and gain pampadami buhay and enegy, make talon talon through bangin and spikeys and much more!!!

Ang ibang games, natatamad na akong ikuwento. Marami pa dapat yan.

Some Random Facts:

1. Fifteen minutes ang allowed time for each one of us to play. Kasama din si daddy. May oras din sya. Kapag naman two player, Halimbawa joined forces kaming magkapatid, thirty minutes na ang time.

2. Di nagtagal ang 15 minutes ay naging 30 minutes, naging 1 hour, and then 2 hours na up to kasalukuyan. Kuryente Raise Alert!!!

3. Kapag naglalaro si daddy ng Supermario, kasamang tumalon ni mario ang controller ni daddy, pati ang balikat nya, at kamay na parang nanonood ng 3d sa Imax. Hihi.

4. Nagtry maglaro ng Supermario si Mommy. Natapos nya ang world 2-2 which is sa tubig ang senaryo. nakasurvive sya with 7 seconds remaining. 1st and last laro nya yon ng family computer.

5. Gazillion times na kaming nag-away at nag-iyakan dahil sa pesteng computer games na yan.

6. Uber great family bonding ang paglalaro ng computer games. Mapapabata mo ng 100 years sila parents. 

7. Nagugutom ako ngayon. Gusto kong pumunta ng Dunkin Donuts.


No comments:

Post a Comment

Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?