Pages

Monday, July 19, 2010

Ant Colony


Ang mga langgam. Bow.

Ang queen ant ay ang pinakamalaking langgam sa buong colony nila. Layunin nyang manganak ng manganak. Correction, mangitlog pala.

Ang mga male(buntisero) ants naman ay medyo malaki lang, sila ang taga buntis sa queen.

Ang mga soldier ants naman ay ang tagapagtanggol ng mga naaapi. Protector of the queen, of the foods, of the whole colony.

Ang mga worker ants naman ang mga workers. Taga-hanap ng pagkain, tagabuhat ng pagkain, basta. Worker.

Ang queen ay di pwedeng magwork para pakainin ang colony.

Ang mga soldiers ay hindi pwedeng mangitlog.

Ang mga male (buntisero) ants ay di pwedeng magtrabaho. Bakit? Pagkatapos nilang mambuntis ng mahal na reyna, mamamatay sila after. (insert sad music here)

Ang mga worker ants ay di pwedeng buntisin ang reyna.

Hindi sila pwedeng mag-utusan. Hindi pwedeng magpasa ng duties. Kaya nga iba iba sila. Mayroon silang designated tasks/jobs.

Saan ka nakakita ng langgam na all-around ang trabaho sa colony?



P.S. Ang mga information sa itaas ay stocked knowledge ko lamang.


No comments:

Post a Comment

Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?