Kung ang mga inday ay may dayoff, ang mga puno ay may tag-lagas, Ako pa kaya na hamak na humans. Napapagod din ako. Sayang lang ang time ko sa pagligo, pinawisan din naman ako sa magdamag. Pero ok lang, kahit pagpawisan ako ng grasa at sebo, mabango pa din ako parang damo at lumot sa tag-ulan. Yak. Wala lang. Naikwento ko lang kasi magdamagan akong tinrabaho este nagtrabaho as in pagod like a kargador sa pier or baggage boy sa suking grocery stores.
Dehins ko na i-eelaborate ang mga pangyayari dahil kapag nagkwento pa ako, masgugustuhin mo na lang panoorin si Gaz Abelgas ng SOCO.......sceneeee..... of..... the.... crime..... op..... ewan ko paputukin ko nguso mo. Basta, personal assistant ako kanina. Boy-secretary. Sidekick, Julalay, at iba pa. Sa buong magdamag.
Pagkasakay ko naman ng mala-roller coaster ride na jeep dahil sa tuwing liliko ay nalilipat ng otherside of the passeyngerseats ang aking puwit. Kahiya sa madlang customers ng nasabing ride. Hindi naman ako makatulog dahil loop ng loop to the max ang kakaunting kanta sa aking selepono. Pamatay sa rakrakan ang Empty ng ClickFive. Oo na. hardcore na para sa akin. Wag ka ng tumawa. Pati ang kanta ng Silent Sanctuary. Baduymetothemax these past few days.
Pagkauwi ko naman ay syang nagmano sa akin ang tinapa, at humalik sa pisngi ko ang sopas. Nawala ang aking striss. Subra. Ginhawa ba. Napawi lahat ng aking paghihinagpis at paghihimutok sa bwakananginahingmanok na trabaho.
May maikwento lang naman. Burp!!!
Kumain lang naman ako ng tinapa'tsopas napakwento na me much. Thanks sa pakikinig at wala akong violent reactions o comments o suggestions na narinig sayo aking blog.
Nagmamahal,
Tong
No comments:
Post a Comment
Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?