Eto na. Buntong hininga mode.
Dili ko na alam ang gagawin ko. One-by-one nag-aalisan mga barkada ko here sa office. What to do? What to do? Take notes. Dili ko sila kadepartment. Dinarayo ko lang sila tuwing lunch, meryenda, lamyerda/takas, etc. Dili nyo na mai-aask pero wala ako kabatak sa sarili kong department. How's that naman.
In short, magreresign ang mga besprends ko here sa opis.
Ngayong nakapagpasa na ng resignation letter ang dalawa, dili ko alam anong mararamdaman. Ayaw ko naman ipakita na malungkot me, kasi ako nagbibigay lakas ng fighting spirits nila lalo na kapag gloomy ang hambiance. Hmmmmmm... Sad talaga.
Kanina lang, nakachat ko ang pangatlo nilang kasamahan, next in line na daw siya. Major loser na talaga me. Wala na me friends sa office talaga. What to do? What to do? Balik ang office life ko as outcast. I have meron friends din naman sa otherside departments pero dili kasing-close ng mga barkada ko. Hmmmmmm....
Sa tawanan, biruan, kulitan, asaran, greenminded-an, kainan, takutan, kabaliwan, salamat.
(pause here)
Mukhang magkakamerong iyakan sa huling hantungan, este huling mga araw nyo sa opisina next huweek.
Para sa tatlo kong matalik na kaibigang lilisan sa opisinang aking pinagtatrabahuhan. Adyos. Kitakitakits na lang kung magkamerong chance. Or sa next life. Or sa reincarnation kahit maging kabute ako, prends ko pa din kayo.
Til Friday next week na lang daw sila. Another adjustment. I know, OA me sa ngayon, pero once in a blue moon lang me makatagpo ng true kaibigang friends. Haystt... Maybe susubukan kong magtry na kaibiganin ang mga taga department ko? Dili ko alam. Malabo pa sa 1kb pixel na camera phone yown pagnagkataon.
Get well soon to me.
Now Playing: FRIENDS FOREVER by Vitamin C
(Sensya na all of you sa kaemohang-shit kong ito)
Ay sa mind ko lang tumutugtog ang music. Pakihanap na lang sa Youtube..
Sabi na sa inyong all, perstaym ko gumawa ng emo post, hampanget tuloy ng outcome-output-result.