Pages

Monday, August 2, 2010

Spelling Bee


Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Sight-seeing, course is clear. Puwedeng-puwede ng mag-blog. Hihi. Demonic tawa on the loose.

Feel na feel ko na naman mag make story, but shempre true to life story ito. Minsan may batang isinali sa spelling  bee. At ako iyon shempre.

Sa kadahilanang ako ay merong brain na hitik sa sustagen prime, tandang-tanda ko pa, 5 years young me, at ako ay prep kid. Medyo lacking ako sa gulay that time kaya medyo patpatin me. (Turo sa taas - yung gulay not me.)

Ang setup, may upuan at mesa ang bawat kalahok sa spelling bee. Ang venue, sa hentablado ng ground floor. Pero ang mga audience ay mga uzzi-usiserang teachers at janitor (isa lang ang janitor ng school, dati syang ice cream vendor sa campus).

Hayan na, sakay ng karwaheng gawa sa kalabasa at hatak ng mga usa, dumating ang prinsipal. Si Mrs. Zarah. Naglakad na parang pendulum sa harapan naming 6 contestants. Nagpakilala, hi i am Mrs. Blahblah Zarah. 74 years old. Batang Makati. May kasabihan po tayo... ok fine pakulo ko lang ang introduction nya. Derecho na sa spelling!!!

Children, listen carefully, im going to repeat the word twice, and afterwards, I'll use it in a sentence. - Parang ganyan ang pagkakasabi nya.

Ok, here's our first Word... Bedjketabols. I repeat. Bedjketabols. Cerrots, Potato, and Raddish are examples of bedjketabols.

Swak na swak. Win na win sa spelling. Nagets ko naman kaagad. Walang nag-run-time-error kahit sino. Yun nga lang, ang daming seizures este erasures ng mini blackboard ko.

At nagpatuloy-tuloy na ang spelling bee, hanggang sa ma-evict ako dahil ninominate nila kong maalis. Tong, you are the weakest link. Goodbye!

At why did naman I get evicted? Dahil ito sa may sa demonyong word na Recess!!!, inispell ko sya ng "Reccess". Pecking-sheet talaga oh. Ang shongangots ng word na yon no? Hindi man lang ako umabot sa championship word na pagkadali-daling - Denial. Natalo ang isa kasi Denail ang isinagot nya. The End.

Hindi ko ata to ikinuwento sa aking payrents. Embarrassing much.

Wala lang, sumabaw lang utak ko kaya napakwento. Hihi

3 comments:

  1. kaya ako never pa sumali sa mga spelling bee na ganyan. slow ako sa spelling much eh hehe

    ibang klaseng style ka talaga magkwento haha

    ReplyDelete
  2. @karenanne... hihi di mo naman need sumali, may mga mapangbuska lang na nangsasali. namimilit baga. biktima nila ako.

    ibang klase? you like ba o you dislike. lol
    thank you i'll take that as ano.. ah.. compliment :p thanks sa pagbisita mo huh?

    ReplyDelete
  3. wow!beri gud...mgaling k pla sa spelling.hehehe

    ReplyDelete

Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?