Wednesday, August 4, 2010
Kainan ni Wendy
Nagugutom na ang mga alaga kong hobgoblin at greengoblins sa chan. Urgent na kaylangan nilang chumibog. What to do? What to do? Hang daming resto-restoran. Naisipan kong Jumollibee para mag espanghete at fumried chicken. Kaso, kaka Mcdo ko lang last times. Konek?
Napa look out! ako sa kanto, may rare na restaurant. Kasing rare nya si Mewtwo ng Pokemon. Ang... Cindy's!!! Joke lang. Wendy's ang nakita ko. Hihi.
Pumasok ako malamang. Napa WOW-Ulam ako! Grabe... Nakakalula! Hang daming... Upuang bakante! Wahahahha, baka hindi lang kasikatan ni Wendy na may ari ng Resto. Mayroong tatlong mesang no vacancy. Kumikita pa naman si Wendy anyhow, somehow. Ang kyut nya no kahit may freckles. (turo sa itaas na pickchur) hihi
Dalawang minuto me naka standing ovation sa harap ng counter, nagmamasid ng pwedeng kainin. Napatingin ako sa pader na salamin. May 49ers. Macaroni something. Ahh... Miss mayroon ispageti? Inalok nya ko ng meal. At dili ako nakatanggi. Iba ang inalok nya. Peckingsheet sya.
Ispageti at hamberjerjer ang inalok nya sa bobong utak ko. Nakaserve silang dalawa sa styrong kalahati, tapyas ang takip. Badshot kagad para sakin to. (Astang konyo daw ako? pak!) Paano ako dili madidisappoint? 120 pesoses ang inihapag sa aking harapan. OMG dili man lang naka plato? Dili naman ako nagtake out. Boo!
Ang Ispageti, ok sa olrayt naman. Dili sya kasing tamis na pambatang lasa tulad ng sa Jollibee, at dili rin sya mamasa-masa na look-a-like ng paneesh na Mcdo Ispageti. Oooops. Nagsasabi lang ako ng naexperience ko, wa-intention na siraan si Ronald Mc Donald. Masarap ang Ispageti ng Wendy's. Pwede na sanang itapat sa mga Penne Pasta ng Pizza Hut, White Sauce Pasta ng World Chicken, o ng Kahit anong pasta ng Isbarro's. Iyon nga lang, nakaka dismay sa presentation. Aminin natin mahalaga ang itsura ng kakainin natin lalo na if the price is right, este high.
Ang hamburjerjer naman, Walang wow factor. 6 o 7 ang ibibigay na score dito ni Vice Ganda kung nagkataong ihain to sa kanya sa Showtime. This time, panalo naman ang burger ng Jollibee, pero Laos pa din ang hamburger ng Mcdo. Isisingit ko na rin ang pagka-yummy na burger sa Burger King. In summary, di ako natuwa sa burger ni Wendy. Boo!
Hayan, may kaunting background na kung ano ang field ko. Health Inspector o Food Tech o Dietician. Syempre di naman kapani-paniwala. Stir lang po! Pak! Trip ko lang asarin si Wendy kasi naman napamahal ako sa kanya. Napamahal ng gastos! Sabi na nga ba, kaya pala kaunti lang ang kumakain eh. Pinairal ko na naman kasi ang Instincts ko sa pagpili ng resto. FAILED!
Rating: STAR STAR
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
lagot ka kay wendy kapag nabasa niya to hehe
ReplyDeletebuti na lang hindi ko pa nasubukan kumain dyan...
May peborit naman ako sa wendy's. Yung may bacon something na nakalimutan ko na pangalan. ANg sarap kaya nung burger na yun. Namali ka lang ng tira sa order. haha. Gagalingan mo titira ah.
ReplyDeletesalad lang, macaroni salad lang kinakain ko sa wendy's. tipid mode.
ReplyDeleteoi mzrap z wendy's..mhal nga lng!pareho kmi ni yow.peyborit ko dn ung burger wth bacon and cheese tzka panalo fries nla(mliit nga lng)...try mo!hehehe
ReplyDelete@karenanne... unfair. dapat kaw din try mo. si wendy busy yon chumichismis kay Ciny.
ReplyDelete@Ikaw si Yow... yan! yan nga sana ang oorderen ko. Kaso namahalan ako. next time pramis gagalingan ko na ang pagtira sa order. haha
@khantotantra... try ko salad next time. para makatipid at mabawasan ang dismaya.
@2wangsky... kaw kc, sana sinamahan mo ko para kaw na lang nagtututuro tas ako bibili :p
ung may bacon din talaga ko..panalo yun!pasama ka na ke ungas para lalo ka ganahan kumain kahit shitty ung food!eeehhh...hahaha
ReplyDelete@greta... aba aba kung kayong dalawa ba naman ni ungaz kasama ko, solb na solb na ko :p
ReplyDelete